Tatlong lalaki, sugatan nang bugbugin ng mga sundalo sa Camarines Sur

17

Manila, Philippines – Sugatan ang tatlong lalaki matapos bugbugin ng ilang sundalo sa isang bar sa Del Gellego, Camarines Sur.

Kwento ng mga biktima nagkakasayahan sila noon nang biglang suntuking ng isang sundalo ang isa nilang kasama.

Nagdesisyon ang grupo na umuwi pero hinabol sila ng mga sundalo kahit na nasa labas na sila ng bar.

Sumadya na ang mga biktima sa pulisya para sampahan ng kaukulang kaso ang mga sundalo.

Facebook Comments