Tatlong libong security personnel ipapakalat sa gaganaping 23rd Senior Officials Committee on ASEAN sa susunod na linggo

Tagaytay City – Ipapakalat ang tatlong libong security personnel para sa gaganaping 23rd Senior Officials Committee on Association of Southeast Asian Nations (SOCA) at 18th ASEAN Socio-Cultural Community Council Meeting sa Tagaytay City sa susunod na linggo.

Pinangunahan ni Police Regional Office 4-A Director Police Chief Supt. Ma. O Aplasca ang send-off ceremony ng mga security personnel sa Camp Vicente.

Binuo rin ang ‘Task Group Site Tagaytay’ na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensiya para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa magkasunod na ASEAN events sa September 11 hanggang 14.


Facebook Comments