Isang lola na bumibili lang na barbecue, pinagbabaril sa ulo ng riding in tandem

Quezon City – Kritikal ang isang lola matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police, bumibili lang ng barbecue ang 63-anyos na si Lydia Villa kasama ang 15-anyos na apo sa may Katipunan street nang bigla na lamang siyang paputukan ng dalawang beses sa ulo ng mga suspek na riding in tandem.

Agad na dinala sa East Avenue Medical Center si Villa.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments