Tatlong lungsod sa Metro Manila, nanguna sa nakapagtala ng pinakamataas na daily new cases ng COVID-19

Nangunguna pa rin ang Quezon City, Manila at Pasig sa mga lungsod sa Metro Manila na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

Ayon sa OCTA Research Team, ibinatay ang datos sa inilabas na tala ng Department of Health (DOH) kung saan umabot sa 1,074 ang daily new cases sa Quezon City.

Sinundan ito ng Maynila na mayroong 449 bagong kaso; Pasig, 436; Davao City, 433 at Caloocan City na mayroong 331 bagong kaso.


Sa kabuuang 18,659 kaso ng COVID-19 na naitala kahapon, 4,498 ay nanggaling sa Metro Manila.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa 1.03 ang reproduction number o bilis ng hawaan sa Metro Manila mula sa 1.20 noong nakaraang linggo.

Facebook Comments