Manila, Philippines – Sa abiso ng MRT, unang naitala ang aberya 6:25 ng umaga kung saan pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue, Northbound.
Matapos ang mahigit isang oras, naitala naman ang ikalawang aberya sa MRT kung saan pinababa ang mga pasahero sa Cubao Northbound bandang 7:38.
At kaninang 9:21, pinababa ulit ang mga pasahero sa Buendia station southbound.
Puro technical problem sa tren ang sinabing dahilan ng pamunuan ng MRT.
Facebook Comments