Heart Evangelista, gustong magpatayo ng bahay ampunan

Showbiz – Desidido na si Heart Evangelista na magpatayo ng bahay ampunan pero hindi ito para sa mga bata kundi para sa mga stray dogs and cats.

Kuwento ni Heart, hindi niya talaga kayang makakita ng mga hayop lalo na ng mga aso at pusa na pagala-gala lang sa kalsada.

Sa katunayan, marami nang naampon si Heart to the point na napagkamalan pang pet shop ang kanilang bahay dahil sa sobrang dami ng alaga niya.


Pero bilang hindi niya kayang i-maintain ang mga ito pinapa-ampon ni Heart ang iba sa kanyang mga alaga.

Kaya ito ang dahilan aniya kung bakit push na push siyang magpatayo ng bahay ampunan.

Facebook Comments