Nakapagtala ng tatlong mahihinang phreatomagmatic burst ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa main crater ng Bulkang Taal kahapon.
Naitala ang phreatomagmatic burst alas-8:11, 8:17 at 8:34 ng umaga kahapon at tumagal nang mula isa hanggang limang minuto.
Nagkakaroon ng phreatomagmatic burst kapag nagtatagpo ang mainit na magma sa groundwater sa crater ng bulkan.
Dahil dito, nagbuga rin ng usok ang Bulkang Taal na aabot sa 200 hanggang 1,500 metro batay sa thermal camera monitoring ng PHIVOLCS.
Sa kasalukuyan, nananatili sa Alert Level 2 ang Taal Volcano mula pa Noong July 23.
Facebook Comments