Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na tatlong malalaking usapin ang tinalakay sa naganap na Executive Committee Meeting ng National Security Council.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tinalakay sa nasabing pulong ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines New People’s Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Napag-usapan din aniya ang issue sa West Philippine Sea kung saan nanindigan aniya ang Pangulo na ipaglaban ang karapatan sa Benham rise na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Tinalakay din aniya ang war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sinabi ni Abella na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging malinaw ang pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa mga komunista dahil sa patuloy na ginagawa nitong pag-atake sa puwersa ng gobyerno at kinilala nito ang pagpapatuloy ng usapang pangkayapayaan sa pagitan ng dalawang grupo.
Gusto din aniya ni Pangulong Duterte na maging kasabay ng Philippine Development Plan ang mga hakbang na gagawin ng National security Sector.