Dinagsa sa unang araw at unang linggo ng Bagong taong 2023 ang tatlong malalaking simbahan sa Pangasinan.
Isa na rito ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa bayan ng Manaoag kung saan ito ang pinakadinarayo ng mga deboto tuwing may okasyon upang makapagsalamat kay Inang Maria at Poong Maykapal.
Bukod dito, siksikan din ang mga taong dumalo sa misa sa Parokya ng St. Dominic De Guzman, sa Lungsod ng San Carlos.
Ikinatuwa naman ng pamunuan ng naturang parokya ang pagdagsa ng mga deboto dahil upang makapag imbita at upang iparating sa mga ito ang nakatakdang padideklara ng simbahan bilang ikalawang Minore Basilica sa Pangasinan kung saan sa January 14, 2023 na ang solemn declaration nito.
Dinagsa din ang St. John Cathedral dito sa Lungsod ng Dagupan.
Bukod sa paggunita sa unang araw at unang linggo ng taon, isinilebra din ng simbahang katolika ang Solemnity of Holy Mary, Mother of God.
Paalala ng simbahan ngayong bagong taon, ay huwag sanang kalimutang magpasalamat sa panibagong taon at sa mga biyayang natatanggap. | ifmnews
Facebook Comments