Tatlong malalaking barko, ikokomisyon sa pagdiriwang ng ika 116 na -taong anibersaryo ng PCG

Manila, Philippines – Ikinomisyon sa serbisyo ang tatlong 44-meter Multi Role-Response Vessels, ang MRRV-4404 (Capones), MRRV-4406 (Suluan) at MRRV-4407 (Sindangan) at pormal na ibinigay ang tatlong 7-meter Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) na nagmula sa bansang Japan bilang suporta sa PCG na nangungunang ahensya sa pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan at seguridad ng ating mga karagatan at pangangalaga ng mga yamang dagat para sa pagdiriwang ng ika-isandaan at labing-anim na taong anibersayo ng PCG na dinaluhan ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade bilang panauhing pandangal at tagapagsalita kaninang umaga.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo apat pang karagdagang MRRV ang ipapadala ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency o JICA upang makumpleto ang sampung barko na inihango ang mga pangalan sa mga nangungunang parola sa Pilipinas.

Paliwanag ni Balilo na pito pang karagdagang RHIBs na may bilis na 45 knots at kapasidad na sampung katao ang nakatakdang ideliver sa susunod na taon 2018.


Ito umano ay bahagi ng 600 Miilion Yen o US $ 5.35 Million Non-Project Grant Aid (NGPA) para sa PCG mula sa Japanese Government’s Economic and Social Development Program na resulta ng hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte mula kay Ambassador Ishikawa sa kanyang courtesy call noong nakaraang Hulyo 2016 sa bansa.

Facebook Comments