Tatlong manlalaro ng San Miguel Beer – top contenders bilang best player ng 2017 PBA conference

26

PBA – Tatlong manlalaro ng San Miguel Beer ang nangunguna sa Best Player of the Conference race sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Kapwa nasa unang puwesto sina Alex Cabagnot at Chris Ross na may 34.125 statistical points.

Sinundan sila ni SMB Stalwart June Mar Fajardo na nakapagtala naman ng 33.067 statistical points.

Kabilang pa sa mga bumubuo sa top 10 Best Player of the Conference sina Stanley Pringel at Terrence Romeo ng Global Port, Jason Castro ng Talk N’ Text, Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Barangay Ginebra, Baser Amer ng Meralco at Marcio Lassiter ng San Miguel.

Nangunguna naman sa “best import” si Ricardo Rafliffe ng Star Hotshots.
Gaganapin ang awarding sa nalalapit na finals ng PBA Commissioner’s Cup kung saan maghaharap ang San Miguel at TNT.

Facebook Comments