Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, aarangkang muli

49

Manila, Philippines – Magpapatutupad muli ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang oil companies bukas, June 20.

Epektibo alas 12:01 nang madaling araw, magbabawas ang Flying V ng P0.70 sa presyo ng kada-litro ng gasolina, P0.10 sa diesel at P0.15 sa kerosene.

Kaparehong rollback din ang ipatutupad ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na epektibo naman alas sais ng umaga bukas.

Hindi pa naman nag-aanunsyo ng kanilang bawas-presyo ang ibang kompanya ng langis.

Facebook Comments