Tatlong mga traffic enforcer ng Pasig City o blue boys, umapela kay Mayor Vico Sotto at dumepensa tungkol sa kanilang pagkakasibak sa trabaho

Nanawagan ang tatlong blue boys o traffic enforcers ng Traffic and Parking Management Office ng Pasig kay Pasig City Mayor Vico Sotto na bigyan sila ng isa pang pagkakataon upang patunayan na hindi sila gumagamit ng iligal na droga at nagliliban sa kanilang mga trabaho.

Ayon sa pahayag nina Reymart Villegas, Melvin Veraque, at Roland Sales, iba ang kaso nila kumpara sa 26 na mga kasamahan na sinibak dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Paliwanag ng tatlo, kaya sila hindi pumapasok sa trabaho ay dahil sa maliban sa walang motor, malayo rin ang kailangang lakarin papunta sa kanilang area of responsibility.


Giit ng tatlong blue boys, nag-aalala rin sila para sa kanilang mga pamilya, sakaling tamaan sila ng COVID-19.

Bilang patunay na dedicated siya sa kanyang trabaho, nagsumikap si Sales na makabili ng bisikleta para may magamit sa pagpasok sa trabaho.

Facebook Comments