Tatlong miyembro ng RAM na pumatay sa labor leader na si Ka Lando at aide nito, hinatulang guilty ng Antipolo City Regional Trial Court

Hinatulang guilty ang tatlong miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) dahil sa pagpatay sa labor leader na si Rolando “Ka Lando” Olalia at aide nitong si Leonor Alay-ay noong 1986.

Kabilang sa hinatulan ng habang-buhay na pagkakabilanggo sina; Fernando Casanova, Dennis Jabatan at Desiderio Perez.

Ang desisyon ang inilabas ni Judge Marie Claire Victoria Mabutas Sordan ng Branch 97 ng Antipolo City regional Trial Court (RTC).


November 13, 1986 nang dukutin sa Pasig City sina Olalia at Alay-ay na dinala sa Cubao bago pinatay sa Antipolo.

Facebook Comments