Tatlong Mosque, nabawi ng militar mula sa kamay ng Maute-ISIS group

Manila, Philippines – Tatlong Mosque na dating pinagkutaan ng Maute-ISIS group ang nabawi ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner – bukod sa grand mosque sa sentro ng lungsod, dalawa pa ang kanilang narekober.

Kinumpirma naman ni Provincial Crisis Management Committee Assemblyman Zia Alonto Adiong na may ilang batang miyembro ng teroristang grupo ang nakuhanan ng litrato na may hawak na baril.
Sinabi naman ni Brawner, may nakaka-engkwentro na silang mga child warriors ng Maute.


Kaya habang paliit nang paliit ang ginagalawan ng kalaban, patuloy namang nag-iingat ang mga sundalo.

Facebook Comments