Tatlong Most Wanted Persons sa municipal level ang naaresto sa isinagawang joint law enforcement operation sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.
Ayon sa ulat, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek na pawang residente ng nasabing bayan. Kabilang sa mga nadakip ang isang 61 anyos na lalaki na nakatala bilang Top 2 Most Wanted Person, isang 23 anyos na lalaki na Top 6 Most Wanted Person, at isang 21 anyos na lalaki na Top 3 Most Wanted Person.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng mga warrant of arrest laban sa kanila para sa kasong Qualified Rape, na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bugallon Municipal Police Station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.
Muling nanawagan ang Pangasinan Police Provincial Office sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga wanted na tao, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









