Tatlong NPA, sugatan sa sagupaan laban tropa ng gobyerno sa Sarangani

General Santos City – Tatlo ang sugatan sa isa na namang sagupaan sa gitna ng mga sundalo ng gobyerno at ng New People’s Army sa bukiring bahagi ng Barangay upper Suyan, bayan ng Malapatan, Sarangani Province, alas 2:00 ng hapon kahapon.

Sinabi ni Lt. Daryl Cansancio, Spokesperson ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army, na aabot ng dalawampu hanggang dalawangpu’t limang kasapi ng guerilla Front 71 ng NPA na pinangunahan nina Kumander Dong at Kumander Jurry ang nakasagupa ng kanilang tropa sa bukiring bahagi ng Barangay Upper Suyan.

Ayon kay Cansancio na umabot ng halos labing limang minuto ang sagupaan. Wala namang naitalang sugatan sa hanay ng mga sundalo pero kinumperma ni Cansansio na may nga nasugatan sa grupo ng NPA dahil narin sa sumbong nga mga residenti doon na mayroon tatlong indibidwal na sugatan na bitbit umano ng kanilang kasamahan.


Napag-alaman nangyari ang engkwentro kasabay ng isinagawang clearing operation ng 73rd Infantry Battalion sa lugar matapos sa nangyaring sagupaan noong nakaraang linggo sa Davao del Sur na ikinamatay ng isang miyembro ng NPA.

Sa ngayon kontrolado ng ng mga sundalo ang sitwasyon pero patuloy pa ang kanilang ginagawang clearing operation.

Facebook Comments