Tatlong OFW, nagpositibo sa mandatory COVID-19 testing sa Hong Kong; isa galing sa Pilipinas

Nagbabala ang mga eksperto ng posibleng transmission ng mas nakakahawang Coronavirus variant sa mga domestic helper sa Hong Kong.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang tatlong Overseas Filipino Worker (OFW) sa gitna ng ipinapatupad na mandatory mass testing ng Hong Kong authorities.

Kabilang dito ang 48-year-old na ginang na dumating sa Hong Kong mula Pilipinas noong March 31 at sinasabing carrier ng N501Y mutation.


Pero ayon kay Dr. Chuang Shuk-kwan, Head ng Communicable Disease ng Centre for Health Protection, pinag-aaralan pa nila kung maikokonsidera itong local case.

Dalawa pa sa mga kaso ay OFW rin sa Kornhill Garden Block N at kaibigan niya na helper naman sa Royalton at Pok Fu Lam.

Facebook Comments