Tatlong Omicron COVID-19 recombinant, binabantayan ng DOH

Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang tatlong klase ng COVID-19 Omicron recombinant na XD, XE, at XF.

Ayon kay DOH – Technical Advisory Group member Dr. Edsel Salvana, ang recombinant ay kombinasyon ng dalawang magkaibang variant ng virus.

Aniya, ang Omicron XD variant na unang nakita sa France ay inilista na ng World Health Organization (WHO) bilang variant under monitoring.


Habang ang Omicron XE variant naman ay ang kombinasyon ng BA.1 at BA.2 sublineage ng Omicron variant ay nananatiling variant of concern.

Kasabay nito, tiniyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakalatag pa rin ang mga hakbang para masigurong hindi basta-basta kakalat ang nasabing recombinant sa kaling magkaroon nito sa bansa.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na magpabakuna na ng primary doses at booster shot dahil nananatili itong epektibo laban sa COVID-19.

Facebook Comments