Tatlong ospital na uunahin sa COVID-19 vaccines, tinukoy ng DOH

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang tatlong ospital sa National Capital Region na unang mabibigyan ng COVID-19 vaccines, oras na dumating na sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kabilang sa unang mabibigyan ng bakuna kontra COVID ay ang Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines, at Dr. Jose Memorial Rodriquez Hospital.

Aniya, uunahing mabigyan ng bakuna ang mga health workers, frontliners at isusunod ang admin staff.


Paliwanag ni Duque, nais nilang panatilihin ang institutional safety ng nasabing mga ospital para na rin sa mga doktor at health care workers.

Pinag-aaralan naman ng kalihim ang Davao at Cebu City na una ring mabigyan ng bakuna dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments