Echague, Isabela- Tupok na ang tatlong palapag na gusaling pagmamay-ari ng isang negosyanteng intsik matapos masunog pasado alas otso kagabi, April 24, 2018 sa bayan ng Echague, Isabela.
Batay sa impormasyong ibinahagi ni Senior Fire Officer Jovelyn Panganiban, Chief Investigator ng BFP Echague, nagsaksak lamang umano ng mumurahing Flashlight sa unang palapag ng gusali ang may-ari ng Commercialized building na si Edward Sy at wala pa umanong isang minuto nang siya’y nakalabas sa gusali ay nagkaroon na umano ng sunog.
Ayon pa kay Senior Fire Officer Panganiban na naglalaman umano ng halo-halong paninda ang gusali gaya na lamang ng LPG Tank na sumasabog habang nasusunog ang gusali.
Tumagal ng mahigit isang oras ang kanilang pag-apula sa apoy at mabuti na lamang umano ay walang nasugatan o naitalang insidente kaugnay sa naturang sunog.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ang BFP Echague hinggil sa pagkasunog ng gusali.