Tatlong panibagong kaso, isinampa sa ‘Tinang 83’

Sinampahan ng tatlong panibagong kaso ang mga magsasaka at peasant advocates na tinaguriang “Tinang 83.”

Ayon sa lead counsel ng Tinang 83 na si Atty. Jo Clemente, violation of Article 151 o resistance and disobedience of person in authority, obstruction of justice, at usurpation of real rights ang mga isinampang kaso sa grupo.

Bago nito ay humarap sa Capas Hall of Justice ang Tinang 83 para sa kanilang arraignment sa kasong illegal assembly at malicious mischief.


Matatandaang inaresto ang mga ito nang sirain umano ang tubuhan ng isang kooperatiba sa Barangay Tinang dahil sa alitan sa karapatan sa lupa na pinag-aagawan dahil sa Agrarian Reform Law sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac.

Magkakaroon pa ng imbestigasyon sa Office of the Provincial Prosecutor sa Tarlac City sa Hunyo 29.

Facebook Comments