Isang senador, tiwalang pag-aaralang mabuti ng susunod na administrasyon ang mga ipapatupad na COVID-19 restrictions

65

Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na ibase sa science at tamang data ang COVID-19 restrictions at anumang mga hakbang kaugnay sa pandemya na ipapatupad sa bansa.

Diin pa Lacson, dapat din ay pangunahan ito ng mga tao na walang personal na agenda.

Tiwala naman si Lacson na ganito rin ang takbo ng isip at magiging deskarte ng susunod na Marcos administration.


Ang pahayag ni Lacson ay sa harap ng posibilidad na pagsailalim sa Metro Manila sa Alert Level 2 dahil sa tumataas muling kaso ng COVID-19.

Sabi ni Lacson, sa ganitong sitwasyon ay kailangan ang isang mahusay na pamumuno sa bansa na kayang gumagawa ng mga mahihirap at kalkukadong mga desisyon.

Facebook Comments