Manila, Philippines – Ipinababasura ng Office of the Solicitor General (OSG) ang tatlong petisyong kumukwesityon sa pagdedeklara ng martial law sa mindanao.
Sa komentong isinumte sa Supreme Court, muling iginiit ni Solgen Jose Calida na may matibay na batayan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdedeklara ng batas militar.
Aniya, malinaw na rebelyon ang nangyayari ngayon sa Marawi base na rin sa impormasyong natanggap nila na November 2014 pa magka-alyado ang Maute group at ISIS.
Planado rin aniya ang pag-atake ng Maute sa Marawi na bahagi ng target nitong ikalas ang Mindanao sa Pilipinas.
Sa preliminary conference kahapon, hiniling ng OSG na gawing executive session ang oral arguments dahil may mga matatalakay daw tungkol sa national security pero tinutulan ito ng mga respondents.
DZXL558