TATLONG PIGGERY SA PANGASINAN NA ISINAILALIM NG DA SA DISINFECTION NAKATANGGAP NG SENTINEL PIGLETS

Matapos isailalim ng Department of Agriculture sa disinfection ang mga piggeries sa bayan ng Lingayen, Labrador at Aguilar ay wala ng nabalitaang kaso ng ASF dito sa loob ng tatlong buwan.

Saad ni Nestor Domenden ang Department of Agriculture Executive Director ang repopulation ng mga baboy ay ilulunsad sa bayan din ng Lingayen, Labrador at Aguilar na kung saan namigay ang kanilang tanggapan ng mga Sentine Piglets na kanilang alagaan at paramihin upang makabangon ang mga Hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever.

Bawat piggery ay nakatanggap ng tatlong biik na may timbang na labing limang kilo.


Samantala, umabot na sa 120 Million pesos ang naipamahaging tulong ng ahensya para sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF sa buong rehiyon uno kung saan aabot sa limang libong piso ang matatanggap ng isang hog raisers sa bawat baboy na isasailalim sa culling operation na hindi naman lalagpas sa dalawampu.

Facebook Comments