Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang january 01, 2018 deadline na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapapalit ng mga lumang jeep ay dapat maipatupad.
Sa pagdinig ng house committee on transportation, ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra – inilatag na ang tatlong pilot areas para sa jeepney modernization ay sisimulan bago matapos ang taon.
Ang tatlong pilot areas ay ang:
Fort Bonifacio sa Taguig papuntang Guadalupe Makati, Senate at PICC sa Pasay Pateros
Sinabi ni Delgra – layon nito na makita ang epekto at magiging problema bago maisaayos bago palawakin ang programa.
Dagdag naman ni Transportation Undersecretary Martin De Leon – nagsasagawa na ang ahensya ng pag-aaral tungkol sa route rationalization para maisaayon ang mga ruta at kung ilang sasakyan ang kinakailangan sa bawat ruta.
Nilinaw naman ni LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada – na walang mangyayaring jeepney phase-out.
Tiniyak din ng LTFRB na nakahanda na ang Development Bank of the Philippines at Landbank para sa pagpapautang sa mga jeepney driver at operators.