Tatlong pintor sa Subic Hanjin Shipyard, nasabugan

Subic Zambales, Philippines – Nasabugan ang tatlong pintor ng kemikal na inihahalo sa pintura sa loob ng Subic Hanjin Shipyard, sa Redondo Peninsula, Barangay Cawag, sa bayan ng Subic Zambales.

Sa ulat mula kay Chief Inspector Joan Sibayan, hepe ng Subic Police, kinilala ang mga sugatan na sina Alvin Salvador, Noel Hilario at Liendon Hanopol.

Isinugod ang mga biktima sa Bay Point Hospital sa SBMA, Olongapo Citpara sa Medical treatment.


Ilan sa mga nagtamo ng mga nagtamo ng bukol at sugat sa katawan ay hindi umano dinala ng Hanjin sa pagamutan, bagkus nag “self-medication” na lang ang mga ito at hindi muna pinapasok kinabukadan matapos ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nitong nagdaang Hueves ng hapon ay isa sa mga kawani ang nagsasagawa ng hot process works sa ibaba ng International Maritime Dangerous Goods tank na may lamang thinner nang maliparan umano ito ng baga at mag-spark ang grinding machine na siyang dahilan para magkaroon ng pagsabog.

Ito na ang umanoy pangalawang insidente na naganap sa Dock 6, Assembly Area sa loob lamang ng isang linggo na pilit umanong itinatago ng Hanjin management ang aksidente sa loob ng pagawaan ng barko.

Nauna rito, isang Koreano at kasamang Filipino worker ang muntik ng matusta sa loob dock 6, electrical area ng may sumiklab sa loob ng barko.

Nakaligtas ang dalawa ng ipilit nilang ipasok ang kanilang katawan sa “port hole” para makalabas sa confined space sa loob ng barko.

Nabatid pa sa ulat na kulang umano ang Hanjin ng mga safety officers at wala din Personal Protective Equipment na suot ang mga manggawa bago sumabak sa kanilang mapanganib na trabaho sa pagawaan ng barko.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Ngayon ay nakatakda ang personal na pagbisita at inspection ni SBMA Chairman Martin Diño sa loob ng naturang shipyard para alamin ang kalagayan ng mga manggagawa rito.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments