Tatlong players ng New Orleans Pelicans, nagpositibo sa COVID-19

35

Nagpositibo ang tatlong manlalaro ng New Orleans Pelicans sa COVID-19.

Ayon kay Pelicans General Manager David Griffin, sumailalim na sa self-isolation ang naturang mga players at hinihintay na lang ang resulta ng panibagong test kung papayagan na itong makasali sa mga team activities.


Tumanggi naman si Griffin na pangalanan ang mga players sang-ayon sa mga probisyon ng medical privacy laws.

Lumabas ang resulta ng test nitong June 23, 2020, unang araw ng pag-test sa mga miyembro ng teams na bahagi ng plano ng NBA para sa pag-uumpisa ng season.

Facebook Comments