Tatlong pulis, inireklamo ng pangto-torture sa Cavite

233

Cavite – Sibak sa serbisyo ang tatlong pulis ng Trece Martires matapos na ireklamo ng dalawang preso ng pangto-torture.

Kinilala ang mga pulis na sina PO2 Mark Jason Petino, PO1 Ralph Marvin John Solticu at PO1 Daniel Sosa.

Kwento ng mga biktima, June 17 nang mahuli sila sa isang buy-bust operation kung saan bukod sa panggugulpi ay nakaranas pa sila ng sexual abuse.


Nasa restricted custody na ng Cavite Provincial Office ang mga pulis.

Inihahanda ng abogado ng mga suspek ang kasong administratibong isasampa laban sa mga ito.

Facebook Comments