Tatlong pulis ng Maynila, arestado sa pagpaslang sa isang Koreano

Naaresto na mga otoridad ang tatlong miyembro ng Manila Police District (MPD) na isinasangkot sa pagpatay sa isang Koreano sa Maysan, Valenzuela City.

Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Leo Francisco ang mga naarestong pulis na sina Police Corporal Darwin Castillo, Police Staff Sergeant Carl Legazpi at Police Corporal Samruss Inoc.

Sila ay kapwa nakatalaga sa Roxas Blvd. PCP, Baywalk area.


Ayon sa opisyal, humingi ng koordinasyon sa MPD ang tracker team ng Valenzuela City Police para maaresto ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay sa Korean national na si Sunuk Nam, 55-anyos.

Ayon kay Gen. Francisco, may kinalaman sa pera ang motibo sa pagpaslang sa nasabing Koreano.

Ang tatlong pulis ay itinuro ng 8 indibidwal na unang dinakip ng mga otoridad.

Ang mga pulis na sina Castillo, Legazpi at Inoc ay nakatakdang sampahan ng kasong murder ng Valenzuela Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments