Tatlong Rebelde sa Cagayan, Nagbalik-Loob na rin sa Pamahalaan

*Cauayan City, Isabela*- Tatlo pang New People’s Army ang sumuko sa himpilan ng pulisya sa Bayan ng Rizal, Cagayan.

Ayon kay Provincial Director PCOL. Ariel Quilang ng Cagayan Police Provincial Office, kabilang ang tatlong rebelde sa Periodic Status Report on Threat Groups (PSRTG) ng awtoridad kinilalang sina Ka “Randy” 33 anyos, binata; KA “Jeff” 24 anyos, binata, at KA “Gimie” nasa tamang edad binata, na kapwa mga magsasaka at residente ng Barangay Masi, Rizal, Cagayan.

Tiniyak naman ni PCOL. Quilang na maisasama sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan na inaasahang makakatanggap ng livelihood, housing, education at iba pa para sa pagbabagong buhay ng tatlong rebelde.


Kumpiyansa naman si PCOL. Quilang na sa pamamagitan ng deklarasyon bilang Persona Non-Grata ang rebeldeng grupo ay malaking puntos ito sa pagbabalik sa pamahalaan ng mga rebelde upang makapagsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang pamilya.

Napag alaman pa na kaanib ang tatlong sumukong rebelde ni KA Simoy simula pa noong taong 2015.

Facebook Comments