Nagbalik loob sa pamahalaan ang tatlong kasapi ng Far South Mindanao Region.
Ang mga ito ay sumuko noong Biyernes ng gabi, Abril 28 sa Camp Brig. Gen. Belita, Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.
Kasabay na isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas kabilang ang isang 7.62mm M14 rifle, isang 5.56mm M4 Carbine, at isang Caliber .45 pistol.
Ayon kay Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Alex Rillera, ang tuloy-tuloy na operasyon ng militar, kawalan ng moral at financial support ang dahilan ng pagtiwalag ng tatlong rebelde.
Ang mga ito ay daraan sa proseso upang mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP ng pamahalaan.
Facebook Comments