DILG, nangangailangan ng maraming volunteer para sa 3-day National Vaccination Holidays

48

Nangangailangan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga volunteers na makakatulong ng mga Local Government Units sa 3-day National COVID-19 Vaccination Holidays simula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Hinihimok ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga may medical backgrounds na makibahagi sa pinakamalaking aktibidad.

Aniya, para sa mga interesado, mag-volunteer lamang sa may 12,000 vaccination sites sa buong bansa.


Partikular na hinihimok ni Año ang mga state o private colleges at universities na mayroong medical at nursing courses, na i-mobilize ang kanilang mga doctors, nurses, at nursing student’s para mag assist sa mga Local Government Unit (LGU).

Kasado na ang pag-mobilize sa mga barangay officials at barangay-based institutions para gabayan ang mga dadagsa sa mga vaccination sites.

Facebook Comments