Tatlong sextortionist, arestado sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation ang tatlong mga sextortionist na nambiktima ng isang Malaysian national sa Maynila.

Ayon kay Atty. Moises Tamayao, hepe ng NBI special task force, tinatakot ng mga suspek ang biktima na ilalabas ang malaswang video nito kung hindi magbibigay ng pera.

Aniya, gumamit ang mga suspek ng pre-recorded video ng isang pornographic material.


Pero hindi alam aniya ng biktima na nirerecord na ng mga suspek ang ginawa ng biktima habang nakikipag-cybersex.

Nahaharap sa kasong robbery extortion at paglabag sa cybercrime prevention act ang mga suspek na nagpositibo sa droga.
DZXL558

Facebook Comments