Tensyon, sumiklab sa Metro Manila district jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City

283

Manila, Philippines – Sumiklab ang tensyon sa Metro Manila district jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, kagabi.

Ayon kay Senior Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology, nagkaroon ng kaguluhan sa bilangguan bandang 6:50 ng gabi.


Pero agad rin aniyang nakontrol ang sitwasyon doon.

Wala rin aniyang nasaktan sa nasabing kaguluhan.

Inaalam pa ang sanhi at kung sinu-sinong grupo ng mga bilanggo ang sangkot sa insidente.
DZXL558

Facebook Comments