Tatlong sugarol arestado sa Pasig City

Hinuli ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang tatlong sugarol sa Brgy. Maybunga, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig Philippine National Police (PNP), kinilala ang mga naaresto na sina Richard Ballesteros 40-anyos, Ensie Abaya, 43-anyos at Maria Liza Carmela Cajepe, 23-anyos.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng surveillance operations ang mga pulis na nakatalaga sa Pasig nang maaktuhan ang mga suspek na nagsusugal sa kahabaan ng Blk. 8 Westbank Road, Floodway Brgy. Maybunga.


Dahil dito agad silang pinaghuhuli at nakuha ang dalawang piraso ng dice at bet money na nagkakahalaga ng ₱220.00.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek sa Pasig City Police Station na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambling Law.

Facebook Comments