Isinasapinal na ng pamahalaan ang tatlong supply agreements sa vaccine manufacturers pagdating sa indemnity at delivery.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., aabot sa 17 million doses ng AstraZeneca vaccine ang naselyuhan ng pamahalaan matapos magkaroon ng advance payments ang pribadong sektor at Local Government Units (LGUs).
Mayroon ding isinagawang negosasyon sa Moderna para plantsahin ang supply agreement.
Dagdag pa ni Galvez, humihingi ang vaccine manufacturers ng “full blanket” indemnity sa supply deals pero hindi rito sumang-ayon ang pamahalaan.
Ang mga vaccine makers aniya ay kailangang panatilihin ang “good manufacturing practices” para matiyak ang proteksyon sa mga mababakunahan.
Binigyang diin ni Galvez na tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang kalusugan ng publiko.