Itinutulak ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang tatlong taong suspensyon sa koleksyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ang hirit ng kongresista ay kaugnay na rin sa isinusulong sa Kamara na anim na buwan na tapyas at suspensyon sa excise tax ng ilang petroleum products na nakalusot na sa committee level.
Hiling ni Defensor, paabutin hanggang December 31, 2024 ang suspensyon sa fuel excise taxes.
Nakapaloob ang apelang ito ng mambabatas sa inihaing House Bill 10411.
Makapagbibigay aniya ito ng mahabang panahon ng “economic relief” para sa mga consumers na pinahirapan ng serye ng oil price hike.
Tiwala ang kongresista na mapapalitan ito ng mas malakas na “consumer spending” na makakaambag sa ekonomiya ng bansa para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.