MANILA – Tatlong testigo ng umano’y dayaan sa nagdaang May 9 national elections ang lumutang sa Senado, kahapon.Kasama ni Pastor Boy Saycon ng Council on Philippine Affairs (COPA) ang tatlong testigo na pawang Information Technology (IT) experts.Ayon sa isa sa tatlong testigo, ang mga kandidato ng administrasyon na sina Mar Roxas at Vice President-elect Leni Robredo ang nakinabang sa dayaan.Nangyari umano ang manipulasyon sa isang pribadong gusali at kabilang sa mga naapektuhan ang mga botong nanggaling sa probinsiya ng Quezon.Sinabi ni Saycon, bahala na umano ang korte na i-verify ang mga isiniwalat ng mga testigo.Pero ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia, na kinakailangan munang maghain ang mga ito ng kaso para kanilang maaksyunan.Depensa naman ng Smartmatic, na imposible umano na mapakialaman ang transmission ng mga boto dahil may security code ang bawat sd card gayundin ang hard copy ng resulta ng mga boto sa bawat presinto.
Tatlong Testigo Sa Umanoy Dayaan Noong Eleksyon – Lumantad Sa Senado
Facebook Comments