Tatlong tulak ng droga, naaresto sa hinihinalang drug den sa Old Balara, Quezon City

44

Quezon City – Huli ang tatlong drug pusher sa hinihinalang drug den sa Old Balara, Quezon City.

Sa inilabas na search warrant ng district Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District, hinalughog nila ang bahay ni Erick Cruz o kilala bilang “kalabaw” kasama ang pinsan niyang sina Michael Cruz at Reden Cortez.

Narekober sa loob ng drug den ang 22 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng isang daang libong piso.

Aminado ang mga suspek na gumagamit ng shabu ngunit hindi sila drug pusher.

Dahil dito, mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments