Tatlong Wanted, Arestado sa Rehiyon Dos

Cauayan, Isabela – Tatlong wanted ang inaresto ng mga yunit ng kapulisan sa Rehiyon Dos.

Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang pagsisilbi ng mandamiento de aresto sa mga tatlong indibidwal noong Abril 22, 2020.

Ang mga nasabing mga wanted ay nakilalang sina Geronimo Joaquin y Garcia, edad 39 na Top 1 most wanted sa San Jose, Nueve Ecija, may asawa, nakatuntomg sa high school, tubong Barangay A. Pascual, San Jose City, Nueva Ecija at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Centro Norte, Camalaniugan, Cagayan. Inaresto siya ng pinagsamang puwersa ng Camalaniugan Police Station, San Jose City Police Station, Nueva Ecija PPO; Regional Intelligence Unit 2; 3rd MC, RMFB2; 2nd Cagayan PMFC, CIDG-Cagayan at PIU ng Cagayan PPO. Ang suspek na si Joaquin ay may kasong pagpatay.


Pangalawa ay si Brigido Jhon Calayan y Maggudatu, edad 27, Top 10 Most Wanted sa Cagayan Valley, kasapi ng 81st IB, 7TH ID sa Sta. Cruz, Ilocos Sur, walang asawa at kasalukuyang nakatira sa Carig Norte, Tuguegarao City, Cagayan. Si Calayan ay may kasong paglabag sa RA 9165 o batas na nagpaparusa sa pangangalakal ng illegal na droga.

At pangatlo ay si Diego Pagulayan y Esperanzati, edad 36, may asawa, magsasaka, at residente ng Purok 2, District 2, Benito Soliven, Isabela. Siya ay naaresto batay sa RA 9175 o batas na may kaugnayan sa pagmamay-ari ng chainsaw. Ang nagsagawa ng pagsisilbi ng mandamiento ay ang mga elemento ng Benito Soliven PS at CIDG RFU2, Isabela PFU.

Ang mga naturang pag aresto ay kaugnay sa patuloy na Oplan Manhunt Charlie ng PNP Cagayan Valley.

Pinuri naman ni PRO2 Regional Director PBGen Angelito A Casimero ang mga operatiba ng PNP sa matagumpay na pagkaka aresto ng tatlong wanted sa batas.

Facebook Comments