Tatlong Wanted Person, Naaresto sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Kapulisan

71

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ang tatlong kalalakihan na Top Most Wanted Person sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Probinsya ng Cagayan at Nueva Vizcaya.

Nakilala ang mga suspek na sina Rex Guiquing, 34 anyos, Top 7 Municipal Level at residente ng Brgy. Sisim,Peñablanca, Cagayan para sa kasong Pagnanakaw habang naaresto din si Bernie Bareza, 40 anyos, walang asawa at tubong Lamut, Ifugao at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Calaocan, Nueva Vizcaya na nahaharap sa kasong RA 6538.


Samantala, inaaresto din ng mga alagad ng batas si Gabriel Camarao, 22 anyos, binata, construction worker at residente ng Brgy. Sisim, Peñablanca na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Damage to Property.

Pinuri naman ni Regional Director P/BGen. Angelito Casimiroa ng kapulisan dahiul sa matagumpay na pagkakadakip sa mga itinuturing na wanted person sa rehiyon.

Facebook Comments

From Advertisers