*ISABELA- *Nasa kamay na ng mga otoridad ang tatlong wanted sa batas nang isilbi ang kanilang warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.
Unang naaresto kahapon ang dalawang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Echague na sina Dexter Apostol, 24 anyos, may asawa, isang gwardiya, residente ng Brgy. Dammang East, Echague, Isabela, at si Robin Apostol, 24 antos, isang laborer at residente naman ng Brgy. Salay, Echague, Isabela.
Hinuli sina ang dalawang Apostol sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni judge Bonifacio T Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kanilang kasong Qualified Theft na walang inirekomendang kaukulang piyansa.
Samantala, naaresto rin ang Top 8 Most Wanted Person sa bayan ng Cordon, Isabela na si Reymundo Foronda, 48 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy Quirino, Cordon, Isabela.
Si Foronda ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness na may kaukulang piyansa na P12,000.00.
Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni hukom Norbert Bong Obedoza, ng 7th MCTC Cordon-Dinapigue, Isabela.
Nasa pangangalaga na ng PNP ang tatlong akusado at nakatakdang dalhin sa kani-kanilang court of origin.