Samar – Tatlumpung mga Police Officers o isang platoon ng mga pulis ang sentro ngayon sa imbestigasyon ng PNP Board of Inquiry.
Ito ang kinumpirma ni Directorate for Integrated Police Operations chief Director Rolando Felix.
Aniya ang mga pulis na ito ay direktang sangkot sa ginawang operasyon sa sta rita Samar kaya maging ang mga cellphones ng mga ito ay kanilang ipinakuha upang maisailalim sa forensic examination.
Matutukoy kasi aniya dito ang mga ginawang tawag at text para sa koordinasyon para sa operasyon at sasagot naman sa tanong kung hanggang sa nakarating ang koordinasyon.
Sinabi pa ni Felix na kumpara sa Philippine Army kalahati lamang sa bilang ng pulis ang iniimbestigahan ngayon ng AFP Board of Inquiry.
Ito aniya ang dahilan na mas naunang natapos ang AFP sa imbestigasyon sa insidente.
Ngayong araw naman nagsasagawa ng initial meeting ang joint AFP PNP Board of Inquiry.