Tumanggap ang mga maglalako ng taho sa Lungsod ng San Carlos bilang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga ito.
Kabuuang tatlumpong taho vendors mula sa Bani Taho Producers Association at Bugaoan Taho Producers Association ang maswerteng nabibiyayaan ng karagdagang tulong pangkabuhayan mula sa LGU.
Tinanggap ng nasabing mga benepisyaryo ang Taho Materials at mga kagamitan sa pagbebenta ng kanilang pangunahing paninda.
Ito ay bilang dagdag panimula sa kanilang pagnenegosyo kung saan prayoridad ito ng LGU kaugnay sa kanilang pagpapa-unlad sa mga Micro, Small and Medium Enterprise gaya ng Taho Industry sa lungsod sa ilalim ng Livelihood Development on Taho Industry Project ng City Cooperative, Entrepreneurship and Livelihood Development Office.
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ang alkalde ng siyudad na si Mayor Jullier Ayoy Resuello sa mga recipient ng naturang programa na ingatan at palakasin pa ang kanilang negosyo para sa kanilang ikakaangat ng kanilang buhay.
Laking pasasalamat naman ng mga residenteng benipisyaryo sa kanilang natanggap na tulong pangkabuhayan mula sa LGU. |ifmnews
Facebook Comments