MGA PAMILYANG APEKTADO NG SUNOG, NAKATANGGAP NG RELIEF ASSISTANCE MULA SA DSWD FO1

Nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng nangyaring mga sunog sa Rehiyon Uno mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ilang mga pamilya na nagmula sa San Carlos City kung saan dalawang pamilya ang napamahagian, isa naman sa Natividad, Pangasinan at isa rin sa Sudipen, La Union.
Naipamahagi ang nasabing tulong na may saklaw ng mga family food pack, family kit, hygiene kit, kitchen kit, at sleeping kit.

Naging possible naman ang relief assistance sa pakikipagtulungan ng DSWD FO1 sa kahilingan ng nasabing mga lokal pamahalaan sa rehiyon. |ifmnews
Facebook Comments