MANILA – Umarangakda na ang taunang Balikatan Exercise ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Estados Unidos.Ayon kay AFP Public Information Office Chief Col. Noel Detoyato, isinagawa ang mga unang aktibidad sa Panay na sakop ng lalawigan ng Capiz at lalawigan ng Palawan.Sa pagsisimula, pinagtulungan ng mga sundalong Pinoy at Amerikano ang pagsasaayos ng limang ibat ibang school buildings at medical mission sa dalawang lugar.Sa kabila nito – sinabi ni detoyato na magaganap pa lamang ang pormal na opening ceremony ng Balikatan 2016 sa April 4.Magtatatagal ang balikatan hanggang April 15, kung saan magiging sentro ang Humanitarian Assistance, Maritime Law Enforcement, at Environmental Protection.Nauna nang sinabi ng AFP na maagang sisimulan ang balikatan dahil sa gaganaping eleksyon sa May 9.
Taunang Balikatan Exercise Ng Afp At Estados Unidos – Umarangkada Na
Facebook Comments