Isinagawa ang taunang seremonya ng pagsira sa mga nakumpiskang hindi certified na produkto sa Ilocos Region.
Sa nasabing seremonya, sinira ang mga hindi sertipikadong produkto sa rehiyon kagaya nalang ng Sanitary Wares o Toilet Bowls, plastic na upuan, GI Wires, PVC Pipes, Christmas Lights, lighter, electrical tapes at mga outlets kung saan nagkakahalaga ito ng P65, 000.00.
Kabilang sa mga sumira ng mga ito ay sa pangunguna ng Department of Trade and
Industry Regional Director na si RD Grace Falgui-Baluyan, katuwang ang DTI La Union Provincial Director Merlie Membrere at Valmar Valdez ang City Environment and Natural Resources Officer at nakilahok din sa programa ang Commission on Audit (COA), City Fire Station and Senior Citizens na miyembro ng Consumer Organization ng probinsya.
Layunin ng programang ito upang paalalahanan ang mga establisyimento may Negosyo at mga mamimili sa kahalagahan ng pagtiyak na ang mga produkto na kanilang binebenta o binibili ay naaayon sa pamantayan at sertipikado ng gobyerno upang maiwasan ang mga posibleng panganib sa buhay ng mga mamimili. |ifmnews
Facebook Comments