DALAWANG LUGAR SA PANGASINAN, NANGUNGUNA SA USAPIN NG TURISMO SA ILOCOS REGION

Ang Alaminos City at Bayan ng Bolinao ang mga nangungunang lugar sa usapin ng turismo sa buong Ilocos Region.
Mismong si Department of Tourism Regional Director Jeff Ortega ang nagsabi niyo matapos matanong kung anong mga lugar sa Ilocos Region ang nangunguna ngayon sa turismo.
Aniya, malawak ang mga lugar ng Pangasinan na siyang nagiging dahilan para mas maraming tao ang kayang i-accommodate bagay na dapat ay samantalahin.

Sa ngayon, aniya ay unti unti na ring bumabalik ang sigla ng turismo sa buong Ilocos Region.
Si RD Ortega ay bumisita sa Pangasinan bilang judge ng kauna unahang skimboarding competition sa Bonuan Tondaligan na inorganisa ni Congressman Toff De Venecia. |ifmnews 
Facebook Comments