Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na ligtas ang tawa-tawa capsules sa mga mild COVID-19 patients.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, mayorya ng kalahok sa clinical trial ang bumuti ang estado matapos uminom ng tawa-tawa capsules.
Wala rin sa mga ito ang lumala ang nararanasang sintomas ng COVID-19.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang mas malalim na evaluation at validation para tiyakin ang epektibo ng nasabing halamang gamot.
Nabatid na binibigyan dalawang kapsula ng tawa-tawa tatlong beses kada araw bilang food supplement.
Facebook Comments